TRACKER TEAM IKINASA NG PNP VS ABDUCTORS NG MGA SABUNGERO

KASALUKUYANG ng tinutugaygayan ngayon ng Philippine National Police-Criminal Investigation & Detection Group (PNP-CIDG) ang dalawa nakilalang suspek sa pagkawala ng mga sabungero.

Ito ay kasunod ng pagbuo ng PNP tracker teams na tututok sa paghahanap sa mga suspek na nakita sa isang secret cellphone video na kasama ng isa sa mga nawawalang sabungero na si Michael Bautista.


Ayon kay PNP-CIDG Spokesperson PMaj. Mae Ann Cunanan, may binuo ng tracker team ang PNP para matunton ang mga ito. Ang nasabing hakbang ay makaraang makilala sa sinagawang computerized cartographic sketch sa umano’y dumukot at nakitang kasama ng isang sabungero na naka posas.

Kamakailan ay pormal nang sinampahan ng kasong kidnapping at serious illegal detention ng PNP sa Department of Justice sina Julie Patidongan alyas Dondon at isang John Doe.

Nabatid pa na pinaghandaan ng PNP –CIDG ang imbestigasyon sa kaso kaya bawat lugar na may naitalang nawawalang sabungero ay mayroong tauhan ang CIDG na nakatutok para sa imbestigasyon.


Tinatayang nasa 34 na sabungero ang nawawala mula sa Laguna, sa Maynila, Batangas at Bulacan.

Sinabi pa ni Cunanan na tuloy tuloy ang kanilang koordinasyon, sa kinauukulang Police Regional Office para malaman kung nasaan ang mga nawawalang sabungero, kung sino ang nasa likod ng kanilang pagkawala at ang motibo sa pagdukot sa mga ito. (VICTOR BALDEMOR RUIZ)


Tags: Philippine National Police-Criminal Investigation & Detection Group (PNP-CIDG)

You May Also Like