Latest News

TRABAHO PARA SA MGA PINOY NAGHIHINTAY SA YUKON, CANADA

MAY nakalaan ngayon na mga trabaho para sa mga ‘overseas Filipino workers’ sa Yukon, Canada makaraang pirmahan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang isang kasunduan sa pamahalaan nito.

Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na ang ‘memorandum of understanding’ na pinirmahan nitong Marso 18 ay magiging daan sa pagpapadala ng mga manggagawang Pilipino sa ilalim ng Yukon Nominee Program.

Sa ilalim nito, layon ng mga Canadian employers na punuan ang kanilang mga bakanteng posisyon ng mga Canadian citizen o mga permanent residents.


Nakasaad rin na ipagbabawal ang pagsingil ng mga employers, mga ahente at maging immigration consultants ng anumang bayarin para sa pag-recruit at pagpili ng mga manggagawang ipadadala sa Yukon.

Ipatutupad ang MOU ng Philippine Overseas Employment Administration at ng Department of Economic Development ng Yukon. Nabatid na noon pang 2019 inumpisahan ang negosasyon ukol dito.


Uumpisahan ang ‘screening’ ng mga kuwalipikadong aplikante sa oras na maaprubahan ang ‘implementing guidelines’ ng Joint Working Committee.

Nabatid na tinatayang nasa 5,000 ang mga Pilipino na nasa Yukon at karamihan sa kanila ay mga ‘permanent resident o Canadian citizens na ngayon.


Tags: Labor Secretary Silvestre Bello III

You May Also Like

Most Read