TRABAHO PARA SA 4,000 PINOY, NAWALA

BUKOD sa pagkalugi umano ng Pilipinas ay nawala rin ang pagkakataon na magkaroon ng trabaho ang may 4,000 Filipinos nang umano’y biglang baguhin ng Department of National Defense ang Term of Reference para sa kanilang Offshore Patrol Vessels (OPVs), para paburan ang isang supplier na masasabing isang midnight deal ayon sa Volunteers Against Crime and Corruption.

Sinasabing kuwestyomable ang biglaang pagpapalit ng Department of National Defense -Bids and Award Committee ng TOR para sa anim na OPV’s sa gitna ng nagaganap na negosasyon ng hindi agad ipina-alam sa ASFAT, isang Turkey’s government controlled military factory and shipyard na isa sa mga contractor ng proyekto.

Nabatid na bukod sa offer na transfer of technology na magkakaloob ng trabaho para sa 4,000 mangangawang Pinoy dahil sa Pilipinas gagawin ang anim na barkong pandigma ay nag alok pa ng libreng apat na unmanned sea vessel (drones) bilang goodwill para sa government to government contract.


Sinasabing una ng sumulat si Esad Akgun, ASFAT chief executive officer, kina President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr at kay datinbg Defense Secretary Delfin Lorenzana, para humingi ng paglilinaw kung bakit biglang inalis angt in-country production at technology transfer scheme sa OPV project.

Ayon kay Akgun tumugon ang ASFAT sa Philippine government’s requirement na lumagda ng kasunduan sa isang local shipyard sa Bataan para gumawa ng OPV, na nagkakaloob hindi lamang ng transfer of technology sa pamamagitan ng 4,000 jobs.


”This is a chance for the Philippines to build a warship as well as to operate unmanned sea vessels,” anang ASFAT executive.

Nabatid na sumulat ang Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) sa Marcos administration para ipahinto ang OPV deal sa South Korea’s Hyndai Heavy Industries (HHI), na umanoy isang “midnight deal that is grossly disadvantageous to the Philippine government.” Kinuwestyon din ng VACC kung bakit inalis ang in-country production and transfer of technology scheme mula sa terms of reference ng kontrata.


Sa halip umanong tanggapin ang alok ng Turkish na mas mababa pa ang presyo sa katunggaling kumpanya ay binago TOR at ibinigay ang kontrata sa South Korean shipyard dalawang araw bago bumaba si President Rodrigo Duterte sa puwesto.

Nanindigan ang Defense officials na sumunod sila sa tamang proseso . Sinasabing kinailangan ding madaliin ang contract dahil sa national security concerns. (VICTOR BALDEMOR)

Tags: Department of National Defense

You May Also Like