Latest News

TORTURE ALLEGATION NG DEGAMO SUSPEK, DAPAT PATUNAYAN-PNP; 4 NA DATING SUNDALO, BINAWI ANG STATEMENT

By: Victor Baldemor Ruiz

KAILANGANG patunayan o maghain ng katibayan ang isa sa mga suspek sa paglikida kay Negros Oriental Governor Roel Degamo na nag-aakusang pinahirapn siya ng mga umarestong pulis para umamin at idiin si Congressman Arnulfo Teves sa kaso.

Ayon kay Philippine National Police Public Information Office (PNP-PIO) Chief Brig. Gen. Red Maranan, dapat na patunayan ni Jhudiel Rivero (a.k.a. Osmundo Rivero), ISA sa 10 dating sundalo na dawit sa pagpatay kay Degamo, na tinorture siya ng mga pulis para aminin ang kanyang partisipasyon sa krimen at ituro si Congressman Arnulfo Teves na siyang mastermind.

Hinamon ni Maranan si Rivero na patunayan ang kanyang alegasyon laban sa mga pulis.


‘Kailangan niyang mag present ng kanyang mga ebidensya at hindi puro akusasyon lamang’, anang heneral.

Kasunod nito, muling iginiit ng opisyal na kanilang iginagalang ang karapatang pantao sa pag-iimbestiga ng kaso.

Una nang tumanggi si PNP chief Police General Benjamin Acorda na magkomento hinggil sa nasabing akusasyon.

“I don’t want to comment as of now so as not to preempt any part of the investigation. I might be misquoted or cause some negative effect on the investigation. I beg for your pardon. Let the investigation take its course,” pakiusap ni Gen. Acorda.


Nabatid na tatlo pang suspek sa pagpatay kay Governor Roel Degamo ang bumaligtad sa kanilang naunang pahayag dahil pinilit lamang umano sila ng mga pulis para ituro si Teves.

Sa pahayag ni PAO lawyer Danny Villanueva, abogado ng apat na akusado sa Degamo killing na sina Rommel Pattaguan, Dahniel Lora at Rogelio Antipolo Jr. , na pawang mga dating sundalo, naghahanda na sila sa kanilang gagawing pagbawi sa kanilang mga naunang statement kasunod ng pag-atras ni Jhudiel Osmundo Rivero, na una nang naghain ng kanyang counter-affidavit.

Nilinaw ni Maranan na mayroong batas laban sa torture o RA 9745 o Anti-Torture Act of 2009 kung saan alam ng mga pulis ang mga kaakibat na kaparusahan kapag ito ay kanilang nilabag.

Naniniwala rin aniya ang PNP na pinapairal ng korte ang ‘rule of law’ at magiging ‘transparent at unbiased’ ito sa pagsusuri ng mga ebidensyang ilalatag sa hukuman.


Tags: Philippine National Police

You May Also Like

Most Read