Inihayag kahapon ng 5th Infantry Division (5ID) ang pagkakapaslang sa top New Peoples Army leader sa Mindanao nang masagupa nito ang mga tauhan ng Philippine Army sa Northern Luzon.
Kinilala ang napaslang na NPA fighter na si Edgar M. Arbitrario, alias Karl, Secretary of the Komiteng Rehiyon Cagayan Valley (KRCV). Arbitrario na kilalang communist terrorist leader na may mahabang listahan ng karahasan at terorismo sa region.
Nagtamo ng sugat ang terorista sa iba’t -ibang bahagi ng kanyang katawan at ang kanyang labi ay nadiskubre sa encounter site nitong September 13, 2024.
Na-neutralisa ng 5th Infantry Division ng Philippine Army ang communist terrorist leader ng komiteng rehiyon Cagayan Valley sa nangyaring sagupaan nuong September 11 subalit nadiskubre lamang ang kanyang bangkay nitong September 13, 2024.
Si alyas “Karl” ay sangkot sa kaliwa’t -kanang terrorism activities sa Compostela Valley at Davao del Norte. Naaresto ito noong February 2016 dahil sa kasong murder at double attempted murder.
Samantala, sinabi ni Major General Gulliver Señires, Commander ng 5th Infantry Division na taos-puso silang nakikiramay sa naulilang pamilya ni alyas “Karl”.