By: Tony Gildo
Arestado sa isang operasyon na ikinasa ng Warrant and Subpoena Section ng Las Piñas City Police Station ang isang ‘top most wanted person’ sa Barangay Zapote, Las Piñas City.
Kinilala ng pulisya ang suspect na si alyas ‘Kibong,’ 34-anyos, security guard at residente ng Barangay Zapote ng nasabing lungsod.
Ayon sa Southern Police District bitbit ng mga awtoridad ang warrant of arrest laban sa suspect na inisyu ni Presiding Judge Ismael T. Duldulao ng Regional Trial Court Branch 197, Las Piñas City, para sa kasong frustrated homicide sa ilalim ng Criminal Case No. 17-1194, na walang inirekomendang piyansa.
Kasalukuyang nakakulong ang akusado sa Las Piñas CPS Custodial Facility sa Barangay Pamplona 3 habang hinihintay ang commitment order mula sa korte.
Sinabi ni SPD director PBGEN Glenn Oliver Cinco na patuloy na hahabulin at arestuhin ang mga ‘wanted person’ upang matiyak na ang mga kasong naisampa na sa korte ay kanilang kahaharapin.














