Latest News

‘Top 5 Most Wanted Person,’ Arestado sa Las Piñas City

Dahil sa pinaigting na kampanya laban sa mga wanted person sa Southern part ng Metro Manila, matagumpay na naaresto ang isang tinaguriang ‘top 5 most wanted person’ sa buwan ng Setyembre, sa isang operasyon sa Las Piñas City.

Pinangunahan ni SPD director PBGen. Rodel Pastor ang operasyon kasama ang Warrant and Subpoena Section ng Parañaque City Police Station kung saan naaresto ang suspect na si alyas Jofred,” 41, sa kanyang tirahan sa Barangay Manuyo Uno, Las Piñas City.


Sinabi ni Pastor na si Jofred ay nahaharap sa seven counts ng mga kasong paglabag sa Section 10(A) ng R.A. 7610 o ang Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act, na may inirekomendang piyansang
P180,000 para sa bawat kaso na inisyu ng Presiding Judge ng Family Court, Branch 10, Parañaque City.

Binigyang- diin ng bagong district director na mas paiigtingin pa nila ang paghahanap laban sa mga ‘wanted’ at palakasin ang pagsisikap ng pulisya upang maihaharap sa korte ang mga taong na may pananagutan sa batas.


Tags: SPD director PBGen. Rodel Pastor

You May Also Like

Most Read