Matagumpay na naaresto ng Southern Police District (SPD),Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Taguig City Police Station ang ‘Top 3 most wanted’ ng lungsod, dahil sa kasong panggagahasa.
Pasado alas-11:40 kamakalawa ng umaga nang maihain ang warrant of arrest sa Road 6, North Daang Hari, Taguig City sa naturang suspect na nakilalang si alyas Seanley, 20, contruction worker.
Walang kaukulamg piyansa na itinakda ang korte sa kinahaharap na kaso ng suspect na ngayon ay nakadetine na sa Taguig City Police Station detention facility.
Pinuri naman ni Southern Police District Director P/ Brig. Gen. Glenn Oliver Cinco ang mga operatiba sa matagumpay na pagkakaaresto sa suspect upang maihatid ang hustisya sa biktima. (TONY GILDO)














