Latest News

Top 2 MWP ng EPD dahil sa rape, arestado

By: Philip Reyes

Naaresto ng mga awtoridad ang isang lalaking itinuturing na Top 2 most wanted person ng Eastern Police District (EPD) dahil sa mga kasong rape sa isang operasyong isinagawa sa Pasig City kahapon ng umaga.

Ayon kay Pasig City Police chief PCOL Celerino Sacro Jr., ang suspek na si alyas ‘Buknoy’, 37, ng Brgy. Santolan, Pasig City, ay Top 2 wanted person ng EPD ngayong buwan ng Pebrero.

Siya ay inaresto dakong alas-9:45 ng umaga sa Bulwagan ng Katarungan na matatagpuan sa Road 2, Caruncho Avenue, Brgy. San Nicolas, Pasig City.

Hindi na nakapalag pa ang suspek nang isilbi sa kanya ng mga pulis ang warrant of arrest na inisyu laban sa kanya ni Hon. Jesus Angelito Huertas Jr., Presiding Judge ng Pasig Regional Trial Court Branch 261, para sa mga kasong Statutory Rape at Rape by Sexual Assault.

Nabatid na walang piyansang inirekomenda ang hukuman para sa kasong statutory rape na kinakaharap ni Buknoy habang P120,000 naman ang piyansang inirekomenda para sa kasong rape by sexual assault.

Ang suspek ay pansamantalang nakapiit sa custodial facility ng Pasig City Police habang hinihintay pa ang commitment order ng hukuman laban sa kanya.

Tags:

You May Also Like

Most Read