Latest News

‘Top 10 most wanted person’ na Chinese national, arestado sa Pasay City

By: Tony Gildo

Hindi na nakapalag pa ang isang ‘Top 10 most wanted person’ na Chinese National nang arestuhin siya ng mga operatiba ng Southern Police District warrant and subpoena section ng Pasay City Police Station sa Brgy. 76, Pasay City.


Ayon sa Southern Police District (SPD), ikinasa ang operasyon ng mga operatiba laban sa suspect na kinilalang si alyas XIAOFEI”, 36, bitbit ang warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge REegina Paz Ramos-Chavez ng Branch 274 ng Parañaque City, para sa kasong robbery.

Matapos ang pag aresto, itinurn-over ang suspek sa Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Pasay City Police Station para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon, kabilang ang pagbabalik ng warrant mula sa court of origin.

Samantala, nagtakda naman ang korte ng P100,000 na piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng naturang akusado.


Binigyang-diin ni PBGen. Glenn Oliver Cinco District Director ng Southern Police District, na ang pag-aresto sa isang dayuhan na nakalista bilang Top Most Wanted Person ay sumasalamin sa kahusayan ng warrant operations at matatag na pagpapatupad ng batas laban sa mga dayuhang kriminal.


Tags: Southern Police District

You May Also Like

Most Read