MAHAHARAP si Toni Fowler sa kasong kriminal matapos magsampa ng reklamo laban sa kanya ang Kapisanan ng mga Social Media Broadcaster ng Pilipinas, Inc. (KSMBPI).
Ayon report, nag-file ang KSMBPI sa Pasay City Prosecutor’s Office laban kay Fowler ng reklamong paglabag sa Article 201 ng Revised Penal Code o “immoral doctrines, obscene publications and exhibitions, and indecent shows” na may kaugnayan sa Cybercrime Law.
Ayon sa grupo, nag-post si Fowler malalaswa o hindi disenteng larawan, video, at iba pang uri nito sa social nedia.
Ang tatlong music video na ipinost ni Fowler na sinabing lumabag dito ay ang mga kanta niyang “MPL,” “FF” at “MNM” kung saan nagpakita ng malalaswang larawan at maseselang parte ng katawan ng lalake.














