Nasa P4 million halaga ng relief supplies ang ibinigay ng Chinese PLA Navy Training Ship “Qi Jiguang” at Chinese Embassy sa Department of Social Welfare and Development para libo libong pamilya naapektuhan ng pag aalburuto ng Mayon Volcano.
Ayon kay China Ambassador Huang Xilian nang makarating sa kanilang kabatiran ang kalagayan ngayon ng may 20 libong katao na inilikas dahil sa kondisyon ng Mt Mayon ay agad nilang pinilit na makalikom ng mahigit sa 103 metriko toneladang bigas at iba pang food supplies na nagkakahalaga ng 4 million pesos .
Nabatid na ang pagkain na ipinagkaloob ay binawas sa daily supply ng nasabing Navy Ship crew.
Very honored to hand over the first batch to DSWD Secretary Rex Gatchalian, with Rear Admiral Su Yinsheng. We also turned over our humble donation of 1 million pesos to Cagayan Governor Manuel Mamba to help those people affected by super typhoon Betty”, ayon sa embahada ng China.
Samantala, nakapagpadala na rin ang Office of the Civil Defense ng 3,200 na sako ng bigas sa probinsya ng Albay, kasama na ang iba pang mga relief goods.
Dahil dito, umabot na sa P13.6Million ang kabuuang halaga ng tulong na naibigay ng ahensiya sa mga residente ng Albay na apektado sa patuloy na pag-alburuto ng bulkang Mayon.
Ayon kay OCD Administrator Ariel Nepomuceno, una na ring nakapagpadala ang ahensya ng mga tarpaulin rolls, N95 face masks, family food packs, hygiene kits, at pelican cases.
Kasama rin sa mga ipinadala ng ahensiya ang mga Portable Water Filtration Unit, at Water Filtration truck, para mag supply ng malinis na tubig sa mga residente.
Sa kasalukuyan, nakataas pa rin sa Alert Level 3 ang Mayon Volcano dahil sa patuloy nitong mga aktibidad. Nauna na ring nagsagawa ng malawakang paglikas ang pamahalaan sa mga residenteng malapit sa nasabing bulkan.














