Latest News

Toll operators puspusan na paghahanda sa pagdagsa ng mga sasakyan sa Mahal na Araw

By: Carl Angelo

Dala ng nalalapit na paggunita sa Mahal na Araw, puspusan na ang paghahanda ng mga toll operators sa inaasahang pagdagsa ng mga sasakyan sa mga expressways.

Napag-alaman kay Toll Regulatory Board spokesperson Julius Corpuz na ito ay alinsunod sa kautusan ng Department of Transportation (DOTr) na maglatag na ng preparasyon para sa Semana Santa.

Ani Corpuz, layon ng preparasyon ay ang mabigyan ng ligtas, komportable at maayos na paglalakbay ang mga motorista sa nasabing okasyon.


Aniya pa, inaasahan na nilang maraming motorista ang daraan sa kanilang mga kalsada at maglalabas-masok sa Metro Manila sa nasabing panahon.

Inaasahan umano ang pinakamaraming bilang ng bibiyaheng motorista pagsapit ng Miyerkules Santo pa lamang.


Upang maiwasan ang mga aksidente ay maglalagay rin umano ng ‘engineering interventions’ gaya ng mga barriers upang mapigilan ang posibleng pag-counterflow ng mga motorista.

Bukod diyan ay magpapaskil rin umano ng mas maraming traffic signages at maglalagay ng mga karagdagang ambulant tellers.


Magpapakalat din ang TRB ng karagdagang enforcers, patrol officers at mga security guards sa mga entry at exit points ng expressways, dagdag pa nito.

Tags: Department of Transportation (DOTr)

You May Also Like

Most Read