TJ Monterde, naiyak sa ginawa ni Martin

By: Beth Gelena

Front act si Martin Nievera sa concert ni TJ Monterde kamakailan.

Hindi napigilan na maging emosyonal ang Concert King ng magbigay siya ng mensahe sa mister ni KZ Tandingan.

Maging si TJ ay naiyak din sa mensahe sa kanya ni Martin.


Naikwento ng Concert King kung bakit siya ang front act ng concert ni TJ.

Sinurpresa ni Martin ang mga nanood sa ikatlong gabi ng concert ni TJ.

Ani Martin: “He came out every single CD promo and started the show the way I do it right now. So I thought maybe, one day I could return the favor.”

Hindi rin mapigilang maluha ni TJ habang nakikinig sa backstage.


Nang matapos ang performance ni Martin, muli silang nagkaiyakan ni TJ sa backstage kung saan pinalakas niya lalo ang loob nito at sinabi kung gaano siya ka-proud sa narating ng singer na minsan lang nangarap na magtagumpay sa larangan ng musika.

Malapit din si Martin sa mag-asawa.

Kung matatandaan noong pandemic time kinasal si KZ kay TJ at si Martin ang tumayong ama para ihatid si KZ at iabot ang kamay kay TJ. Hindi kasi nakadalo ang mga magulang ng Supreme singer na nasa probinsya. Naging popular si TJ dahil sa kanyang hit songs tulad ng “Ikaw at Ako,” “Puhon,” “Sariling Mundo” at marami pang iba. Matatandaang naging soundtrack ng pelikulang “Hello Love Again” ang duet nilang mag-asawa sa awiting “Palagi.” Sa dami ng tumangkilik sa naturang awitin, nagwagi ito bilang number one song ng 2024 sa Billboard Philippines.

Tinanggap nila ni KZ ang naturang award sa ikatlong gabi ng kanyang concert kamakailan sa Araneta Coliseum.


Tags: Martin Nievera, TJ Monterde

You May Also Like

Most Read