Latest News

TIYUHIN, ARESTADO NG MPD SA TANGKANG PAGPATAY SA PAMANGKIN

By Itchie G. Cabayan

Arestado ng Manila Police District (MPD) ang isang 51-anyos na lalaki matapos ireklamo ng kanyang sariling pamangkin na kanyang tinangkang patayin sa pamamagitan ng pagtaga ng bolo, sa loob ng kanilang tahanan sa Tondo, Maynila.


Batay sa reklamo ng biktimang si Mark Justine Dejarlo, kasalukuyan siyang nag-iipon ng tubig nang nang dumating ang suspek na si Joseph Dejarlo, ng No. 1223 Mabuhay St., Barangay 39, Tondo, Maynila.

Pasigaw umano itong naghahanap ng pagkain at sinabing papatayin siya, anang biktima.

Maya-maya pa, nilapitan ng suspek ang biktima at hinataw ng taga, subalit nakailag ang biktima at nakatakbo palabas ng bahay.


Habang palayo sa bahay, natiyempuhann umano ng biktima sina Patrolmen Mark Anthony V Codera at Pat Alsibli J Datu Hatta ng Asuncion Police Community Precinct sa ilalim ng Police Station 2.

Humingi ng tulong ang biktima at sa pagresponde ng mga nasabing pulis, inabutan nila ang suspek sa labas ng bahay na hawak pa rin ang bolo at patuloy na sumisigaw at nagsasalita ng masama laban sa biktima.




Agad na nilapitan ng mga pulis ang suspect at ito ay kanilang inaresto at dinala sa presinto.

Ipinagharap ang suspect ng kasong paglabag sa Article 282 of RPC (Grave Threat) sa Manila Prosecutor’s Office.


Tags: Manila Police District (MPD)

You May Also Like