AGAD na nagpatawag ng command conference ang bagong talagang Philippine National Police chief Police General Benjamin Acorda.
Layunin nito na agad na ibaba sa kanyang mga tauhan ang kanyang mga programa partikular ang paglilinis sa kanilang hanay at ang pagkakaroon ng magandang ugnayan sa taongbayan.
Sa unang command conference na ipinatawag ng PNP chief, sinabi nitong target niyang makuha ang suporta ng mamamayan sa pamamagitan ng matapat na pagtupad sa tungkulin
Ibinigay na halimbawa ni Gen Acorda ang kanyang karanasan bilang Regional Director ng Police Regional Office 10, kung saan may mataas siyang trust ratings dahil sa pagbaba ng krimen sa buong rehiyon.
Ayon sa heneral kinakailangan ang magandang ugnayan sa publiko nang upang magkaroon ng tiwala sa kapulisan at hindi ring matakot na lumapit o magsumbong ang mga ito sa pulis.
Kasabay umano nito ang agresibong kampanya kontra kriminalidad iligal na droga at iba pang iligal na aktibidad.
Sa unang command conference na ipinatawag ng PNP chief, sinabi nitong target niyang makuha ang suporta ng mamamayan .
Aniya, noong nanungkulan siya bilang Regional Director ng Police Regional Office 10, mataas ang kanyang trust ratings dahil sa pagbaba ng krimen sa buong rehiyon.
Nais din ni Acorda ng magandang ugnayan sa publiko nang sa gayon ay walang takot na makapagsumbong ang mga ito sa pulis.
Maliban dito, magiging agresibo rin aniya ang kanilang kampanya laban sa kriminalidad, iligal na droga at iba pang ilegal na aktibidad.
Ayon kay Acorda, tuloy ang isinasagawang internal cleansing sa kanilang hanay kaya nagbabala ito sa mga pulis na huwag magkamaling sumawsaw sa kalakalan ng iligal na droga.
Malinaw umano ang kanyang mandato sa lahat ng mga opisyal at kawani ng Pambansang Pulisya na wala ni isa sa mga ito ang dapat na masangkot sa illegal drug trade lalo pa ang magiging agresibo ang kanilang giyera kontra droga
Nabatid na bago maitalagang PNP chief ay nanilbihan si Acorda bilang Intelligence Director.
Matatandaang nalalagay sa kontrobersiya ngayon ang ilang opisyal at tauhan ng PNP matapos ang umano’y tangkang coverup sa pagkaka- aresto kay PMSgt. Rodolfo Mayo, Jr. na nahulihan ng halos isang toneladang shabu sa kanyang lending shop sa Tondo sa Maynila, gayundin ang umano ay tangkang pagkupit ng ilang police office ng 42 kilos ng shabu mula sa nasabing drug haul.