Latest News

“TINANG 83” NAGPIYANSA, PLANONG KONTRA DEMANDA PLANO

PANSAMANTALANG nakalaya ang 83 magsasaka o mas kilala bilang “Tinang 83” isang land reform advocates groups matapos na makapag lagak ng kanilang piyansa.

Magugunitang , dinakip ang mga magsasaka matapos na taniman ng gulay ang isang bahagi ng Hacienda Tinang sa bayan ng Concepcion, Tarlac.


Dahilan upang magpasaklolo na rin ang mga magsasaka sa Commission on Human Rights matapos kasuhan ng malicious mischief at illegal assembly.

Nanindigan naman si PNP Officer-in-Charge PLt. Gen. Vicente Danao na kumilos lamang ng naayon sa batas ang mga pulis nang arestuhin nila ang mahigit 90 indibidwal na nagsagawa umano ng panggugulo sa Hacienda Tinang.

Paliwanag ni Lt. Gen. Danao, ang mga inaresto ay isinailalim sa kustodiya dahil sa alegasyon ng Malicious Mischief, Direct Assault, Disobedience and Resistance to Persons in Authority, Obstruction of Justice, at Illegal Assembly.


Sinasabing binatay ito sa reklamo ng mga magsasakang residente ng Barangay Tinang, Concepcion, na sinira ang kanilang mga pananim ng mga miyembro ng Kadamay, Anakpawis at iba pang mga nagtangkang pwersahang umokupa ng kanilang sakahan.

“Yung ginawa ng mga militanteng grupo na pagbungkal sa mga mais na nakatanim sa bukid ng may bukid na gusto nilang sakupin ay sadyang hindi makatarungan,” ang opisyal.


Binigyang diin ng Heneral na walang pinapanigan ang PNP pagdating sa mga “land disputes” at tutulong lang sa pagpapatupad ng mga lehitimong kautusan ng korte.

Kaugnay nito nakatakdang rebisahin ng mga Agrarian authorities ang sinasabing land dispute na nagresulta sa pagkaka dakip sa mga magsasakang at mga land reform advocates.


Samantala, balak ng mga magsasakang maghain ng kontra demanda laban sa mga pulis kaugnay sa umanoy mga paglabag sa hanay ng kapulisan na nagsagawa ng pag aresto.

Huwag na umanong baligtarin pa kung ano ang totoo kaugnay sa pag-aresto sa 91 katao na nagpakilalang mga benepisyaryo ng agrarian reform sa Tarlac.

“No right man in his right senses will ever do that. Pinaghirapan ito ng ating mga kababayan na itanim na sisirain ng mga luko-luko. Please do not use human rights in defending your rights there,” ani Danao. (VICTOR BALDEMOR)



Tags: Tinang 83

You May Also Like