Tigil muna ang COVID-19 vaccination sa Pasig City

By: JANTZEN ALVIN

Inihayag ng Pasig City government nitong Linggo ng gabi na pansamantala na nilang ititigil muna ang kanilang COVID-19 vaccination activities.

Sa isang abiso ng pamahalaang lungsod, na ipinaskil sa Facebook page ng Pasig City Public Information Office, nabatid na sisimulan ang pagtitigil ng pagbabakuna ngayong linggong ito bunsod na rin nang kawalan na nila ng suplay ng bakuna.


Wala pa naman anilang abiso ang Department of Health (DOH) kung kailan muli makapagde-deliber ng COVID-19 vaccines.

“Pansamantalang matitigil ang pagbabakuna kontra COVID-19 simula ngayong linggo kaugnay ng pagkaubos ng supply ng bakuna. Sa kasalukuyan, wala pang abiso kung kailan magkakaroon ng bagong delivery ng COVID-19 vaccines mula sa Department of Health,” abiso pa ng lokal na pamahalaan.

Tiniyak rin naman ng lokal na pamahalaan na kaagad nilang ipagpapatuloy ang pagpapaskil ng kanilang weekly vaccination schedule sa sandaling magkaroon na silang muli ng suplay ng bakuna.


Tags: Pasig City Public Information Office

You May Also Like

Most Read