THREAT GROUPS AT LOOSE FIREARMS, PINAGHAHANDAAN NG AFP AT PNP

By: Victor Baldemor Ruiz

Tuloy-tuloy ang ginagawang paghahanda ng Armed Forces of the Philippine at ng Philippine National Police (PNP) kaugnay sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) kayat naka pokus ang dalawang government security agencies sa mga posibleng threat group at proliferation ng loosed firearms bago ang halalan.

Ayon kay AFP Spokesman Col Medel Aguilar particular na kanilang tinututukan ang mga armed groups na posibleng magamit na mga hired goons o private armed groups ng ilang political groups.

Bukod pa sa pagpapaigting ng implementasyon ng total gun ban ani Col Aguilar.Nabatid na maging ang mga air soft or pellet guns at mga replica guns ay plano ng AFP na ipinagbawal ng Commission on Election.


Nabatid na nagsagawa na ng mga pagpupulong ang mga Area Police at Military Command kasama ang Commission on Election at maging ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard Districts bilang paghahanda sa darating na Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) 2023.

Nabatid na pinulong na rin ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr., ang mga regional director at unit heads para magbaba ng direktiba hinggil sa papalapit na eleksyon.


Ayon kay Acorda, mahigpit nilang tinututukan ang accounting ng loose firearms na posibleng magamit sa krimen kabilang na ang mga baril na sap ag-iingat ng mga pulis at militar.

Sinasabing batay sa record ng PNP, nasa halos 19,000 police at military personnel ang hindi pa nakakapag-renew ng kanilang lisensya ng baril.


Gaya din ng ginagawa ng militar, mahigpit din ang monitoring ng PNP sa mga threat groups tulad ng mga private armed groups, criminal gangs at iba pa.

Sa pamamagitan kasi nito ay mas madaling matutukoy ang areas of concern na siya namang tatalakayin ng PNP, sa mga susunod na joint meetings kasama ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Commission on Elections (COMELEC)

Samantala, sinabi rin ni Acroda na pinapa-account niya ang mga most wanted person lalo na ang mga sangkot sa murder at iba pang karumaldumal na krimen.

Samantala, kasalukuyang kinokonsidera ng Committee on the Ban of Firearms and Security Concerns ng Commission on Elections ang panukala ng AFP na isama ang mga air-gun at mga gun replica sa ipapatupad na gun-ban.

As per COMELEC Resolution 10905, ang election period ay mula August 28 hanggang November 29. Sa panahong ito ay mahigpit na paiiralin ang total gun ban. Inihayag ng Comelec na simula June 5 naman ang filing ng application for gun ban exemption.

Tags: Armed Forces of the Philippine, Philippine National Police (PNP)

You May Also Like

Most Read