Natagpuang patay at palutang-lutang ang bangkay ng isang Thailand national nitong Miyerkules ng gabi sa may seawall ng Manila Bay sa Ermita, Manila.
Positibong kinilala ng Royal Thai Embassy,ang biktimang si Chakhon Khumphaitun,24, tubong Bangkok,Thailand at nanunuluyan sa Royal Thai Embassy na matatagpuan sa 107 Rada St.,Legaspi Village,Makati City .
Napag-alaman kau PCMS Dennis Suba, imbestigador îng Manila Police District -homicide section,na una umanong nakita sa seawall ang sling bag na naglalaman ng pasaporte at personal na kagamitan ng biktima na itinurn-over sa Royal Thai Embassy alas- 7 ng umaga bago ang paglutang ng biktima sa seawall dakong alas- 4:30 ng hapon.
Kinumpirma naman ng embahada na tugma sa larawan ng isinurender na pasaporte ang bangkay na lumutang sa seawall.
Wala naman nakitang sugat sa katawan ng biktima at nakasuot pa ang kanyang gintong kuwintas nang matagpuan.