Pinaalalahanan ng Department of Health (DOH) ang mga food company na i-reformulate at tanggalin ang mga sangkap na nagpo-produce ng trans fatty acids (TFA) sa kanilang mga produkto simula Hunyo 18, 2023.
Ayon kay Health Undersecretary for Public Health Services Team Beverly Ho ,ang TFA ay isa sa pinagmumulan ng cardiovascular disease na siyang pangunahing sanhi ng kamatayan sa bansa.
Sa datos ng World Health Organization (WHO), nasa 2.64 % ng pagkamatay ay dahil sa coronary heart disease o pagbara ng supply ng dugo sa puso dahil sa fatty substance na nabuo sa coronary arteries..
“Yet, TFA is used in various baked and pre-packaged food products. To address this, last July 2021, the DOH issued Administrative Order No. 2021-0039, the national policy to eliminate industrially-produced TFA from our food supply.”
Sinuportahan naman ni Food and Drug Administration Director Pilar Marilyn Pagayunan ang kampanya ng DOH na alisin ang TFA sa food supply para mapigilan at ma-kontrol ang NCDs.
“The FDA recognizes the crucial role of food business operators’ compliance in achieving the country’s goal of eliminating industrially produced TFA , thus it has issued FDA Circular No. 2021- 0028 on Guidelines for Prepackaged Processed Food Products,” dagdag pa ni Ho.
Kaugnay nito, sinabi naman ni Imagine Law Executive Director Sophia San Luis, isang public interest group, na maaring maalis ang TFA sa pamamagitan ng paglikha ng kapaligiran na magpu -promote ng kalusugan para sa mga Pilipino. (Anthony Quindoy)