Latest News

TEVES TERROR GROUP GAGAMITAN NG MAS MALAKAS NA PWERSA MILITAR… Anti-Terrorism Unit gagamitin

By: Victor Baldemor Ruiz

Maaari na ngayong gamitan ng medyo malakas na pwersa ng militar ang mga sinasabing armadong grupo sa Negros Oriental matapos na ideklarang silang mga teroristang grupo na pinamumunuan ni Congressman Arnulfo Teves .

Ayon kay LtGen Benedict Arevalo commander ng Visayas Command (VISCOM) makakatulong sa kanilang law enforcement operation ang ginawang pagdedeklara ng Anti-Terrorism Council na iisang terrorist group si Negros Oriental representative Arnulfo Teves, at kapatid nitong si Pryde Teves at sampung iba pa.

Inihayag ni Ltgen Arevalo na maaari na nilang pakilusin ang kanilang counter terrorism units para madakip at madisramahan ang Teves Terror Group


…on the side naman ng military of course having said that na ano na, medyo yung ating pwersa na gagamitin ang ibig sabihin medyo stronger use of our force is ano, pwede nating gamitin yan bec ano yan e, hindi naman criminality lang ito, this is also in the template of counter terrorism na rin, so ibig sabihin we can also use our counter terrorism units.

Mahalaga rin umanong mapabilis ang operation ng military sa pagbuwag sa mga armadong grupo dahil na rin sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan election.

Mapapalakas din umano ng ATC resolution ang kampanya ng military para sa normalisasyon at pagpapanatili ng peace and order situation sa lalawigan.

Nilinaw ng opisyal na hindi naman gaanong Malaki ang grupo nina Teves subalit kailangan mabuwag ito at masupil ang pagkalat ng mga illegal firearms .


Kaugnay nito inihayag ni Arevalo na tuloy tuloy ang ginagawang pagkilos ng Joint Task Force Negros na mas kilala ngayon bilang Task Force Degamo na pinamumunuan ni Army 3rd Infantry Division Maj. Gen Sison katuwang ang Philippine National Police.

Tags:

You May Also Like

Most Read