Latest News

Teves, ipinababasura ang kaso sa DOJ

By: Jaymel Manuel

Ipinababasura ni Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo “Arnie” A. Teves, Jr. sa Department of Justice (DOJ) ang reklamo isinampa laban sa kanya kaugnay sa pagkamatay ng tatlong katao sa lalawigan noong 2019.

Ang motion to dismiss ay inihain ni Teves sa pamamagitan ng kanyang abogadong si Atty. Ferdinand S. Topacio bago ang nakatakdang preliminary investigation.

Una nang isinampa ang kasong murder laban kay Teves noong Mayo 7,2023 kaugnay sa pagkamatay ni Negros Oriental provincial board member at dating ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) Miguel L. Dungog, Lester P. Bato at Pacito R. Libron.


“The herein subject complaint for murder consisting of three charges be dismissed for utter lack of evidence to support a finding of probable cause”, nakasaad sa mosyon ni Teves.

Nabatid na sa kabila ng pagtatangka na ma-balewala ang mga ebidensiya,tumayo ang reklamo sa bigat ng sworn statement ni Gemuel Hobro y Anlap (‘Hobro’), isang nangumpisal na kasabwat, na ang pagpatay ay pinondohan at iniutos ni Teves.


Sa extrajudicial confession ni Hobro, sinabi nito na binaril ni Richard Cuadra sina Dungog at Libron sa magkahiwalay na lugar matapos na iutos ito ni Teves.

Nabatid na si Bato naman ay binaril ni Rolando Pinili sa utos rin umano ni Teves.


Napag-alaman din na P50,000 ang ginamit umano na operational fund sa pagpatay sa tatlo at nagbayad si Teves ng P200,000 sa pagpatay kay Dungog bukod pa sa P150,000 sa pagpatay namankay Bato.

“For lack of independent corroborative evidence, Hobro’s testimony is worthless as against his co-accused,” nakasaad sa motion ni Teves.

Iginiit din ni Teves na dapat na makasuhan si Hobro dahil kasabwat ito sa krimen.

Si Teves ay nanatiling nasa abroad matapos umalis sa bansa noong Marso 9 at nahaharap sa 10 kaso ng murder, 14 frustrated murder at attempted murder sa DOJ, kaugnay ng pagkamatay noong Marso 4 sa bayan ng Pamplona ni Negros Oriental Gov. Roel R. Degamo at siyam na iba pa.

Tags: Jr., Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo “Arnie” A. Teves

You May Also Like

Most Read