Latest News

Teves, ibabalik sa Pilipinas sa pamamagitan ng rendition

By: Baby Cuevas

Hihilingin ng gobyerno ng Pilipinas sa gobyerno ng Timor-Leste na maibalik sa bansa ang pinatalsik na Negros Oriental Representative Arnulfo Teves, Jr. sa pamamagitan ng ‘rendition’.

Ayon kay Justice Secretary Crispin Remulla, ang ‘rendition’ ang nakikita nilang paraan dahil walang extradition treaty ang Pilipinas sa Timor-Leste, kung saan humingi ng asylum si Teves.


Sa ilalim ng United Nations agreement on terrorism, may obligasyon ang host states na i-turnover sa bansa ang mga indibiduwal na may nakabinbing kaso ng terorismo para isailalim sa paglilitis.

Magugunita na noong Agosto ay idineklarang terorista si Teves.

Ayon kay Remulla , ang rendition ay alternatibo sa extradition, kung saan ang isang indibiduwal ay ililipat kasunod ng gagawin na legal proceedings.


Ito ay maaring gawin kahit na walang pormal na kaso, trial o pag-apruba ng korte.

Sinabi ni Remulla na ang Pilipinas ang kauna-unahang bansa na hihiling ng rendition.


Binigyang- diin ni Remulla na ang state counsel at DOJ legal team ay tinatrabaho na ang paghahain ng rendition sa gobyerno ng Timor-Leste.

Sa kasalukuyan, hinihintay pa ni Teves ang desisyon sa kanyang apela matapos na i-deny ng Timor-Leste ang kanyang asylum at sa sandaling i-reject ang apela ay kaagad na idi-deport sa Pilipinas si Teves.


Tags: Jr., Negros Oriental Representative Arnulfo Teves

You May Also Like