Binawi rin ng umano’y bodyguard at driver ng self-confessed drug lord Kerwin Espinosa , ang kanyang alegasyon laban dito, kabilang na sa nakadetineng Senator Leila De Lima.
Sa apat na pahinang counter-affidavit, sinabi ni Marcelo Adorco na siya au pinuwersa lamang na lagdaan ang kanyang affidavit sa pangamba sa kanyang buhay at kaligtasan habang nasa Albuera Police Station in 2016.
“Wala pong katotohanan ang lahat ng aking alegasyon sa nasabi kong affidavit kung saan umamin ako na ako ay sangkot sa kalakaran ng illegal na droga at isinangkot ko si Kerwin Espinosa at iba pang tao,” ayon kay Adorco.
Sinabi ni Adorco, na ang affidavit ay ginawa ng isang polive officer sa Albuera Police Station sa kautusan ni Police Chief Inspector Jovie Espenido.
Ang nabanggit ay ginawa matapos na siya at ang kanyang kasama ay naareato sa buy-bust operation noong Hulyo 2016.
“Sinabi sa akin ni Sir Espenido na nanganganib ang aking buhay at ang tanging paraan na makaiwas ako sa kapahamakan ay ang pagtestigo laban kay Kerwin at iba pa dahil ipapasok daw ako ni Sir Espenido sa Witness Protection Program,” dagdag ni Adorco. (Arsenio Tan)














