Latest News

Testimonya laban kay De Lima, binawi ni Espinosa

BINAWI ng self-confessed druglord Kerwin Espinosa ang lahat ng kanyang alegasyon laban sa nakadetineng si Senator Leila de Lima.

Nabatid na nilagdaan ni Espinosa ang kanyang affidavit sa isang zoom hearing ng Department.of Justice(DOJ).

Ito umano ay kinumpirma ng kanyang abogado na si Atty.Raymund Palad.

Sinabi umano ni Espinosa sa kanyang affidavit na hindi toto ang lahat ng alegasyon kay de Lima.

Kaugnay nito,sinabi naman ni Justice Secretary Menardo Guevarra na pinebeberipika pa niya dahil ang hawak niyang dokumento ay hindi pa notoryado pero kinumporma ng kanyang abogado na pinanumpaan ito ni Espinosa.

“I have no personal knowledge. The office of the prosecutor general is currently verifying. i just observed that the copy posted does not show that it was subscribed before a prosecutor or a notary public,”ayon kay Guevarra.

Magugunita na sinabi noon ni Espinosa na binigyan niya ng hanggang P8 milyon si De Lima para sa kanyang pangangampanya noong May 2016 elections sa ginawang pagdinig ng Senado kaugnay sa pagkamatay ng kanyang ama na si Rolando Espinosa.

Sinabi pa nito na ang pondo ay ibinigay sa pamamagitan ng tatlong pagkakataon kay De Lima at sa deiver-bodyguard nito na si Ronnie Dayan.

Ayon pa kay Espinosa,nakatanggap siya ng tawag noong Agosto 2015 mula kay Dayan at sinabi nito na nangangailangan umano ng pondo si de Lima para sa kanyang kampanya.

Si Espinosa ay inilipat sa Metro District Jail nang tangkain nitong tumakas sa kanyang detention cell sa National Bureau of Investigation(NBI) at inalis sa DOJ Witness Protection Program(WPP).

Tags:

You May Also Like

Most Read