Latest News

TESDA scholars, nag-bake ng tinapay para sa biktima ng lindol sa Abra

Ginamit ng mga scholars ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang kanilang kanusayan sa pagbi-bake ng pastries at tinapay para sa mga biktima ng lindol sa lalawigan ng Abra.

Sinabi ni TESDA Abra chief Allan Millan na ginawa nila ang pagbi-bake ng tinapay at pastries bilang pagbabahagi para makatulong sa gobyerno sa pagbibigay ng ayuda sa mga biktima ng 7.0 magnitude lindol sa Abra.

Ito rin ay bahagi ng “TESDAmayan” program, ng ahenziya na maynlayunin na makatulong sa mga komunidad na dumaranas ng krisis dahil sa mga natural na kalamidad

“We are expanding to other municipalities, and baking is done at the towns,” ayon kay Millan.

Nabatid na may 7,429 residente ang nabiyayaan ng tinapau at pastries sa bayan ng La Paz, Tayum, at Manabo.

Idinagdag pa i Millan na ang programa ay may kasamang rehabilitasyon kung saan binibigyan ng pagkakataon ang mga scholars na makatulong sa rebuilding, reconstruction, at repair ng mga nasirang bahay.

Tumatanggap rin ang mga scholars ng training allowance at tool kits sa ilalim ng Special Training for Employment Program scholarship.

“TESDA Central Office allotted PHP10 million for the conduct of the Training Cum production to help homeowners who suffered damage,” ani Millan.

Nalaman na may 464 scholars ang magbebenepisyo sa nabanggit na alokasyon para makatanggap ng starter kits na magagamit nila sa livelihiid at trabaho.

“Our scholars will be helped by the trainers from different TESDA institutions,”dagdag ni Millan.

Tutulong rin ang mga sacholars gamit ang kanilang skills sa pagbangon ng Abra. (Carl Angelo)

Tags:

You May Also Like

Most Read