PINALAWIG pa ng apat na buwan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang termino ng paretiro ng si PNP Chief Gen.Benjamin Acorda ng hanggang March 31,2024.
Ito’y dahil kuntento ang pangulong Marcos sa naging performance ni Acorda na pamunuan ang Philippine National Police simula ng kanyang appointment noong buwan ng Abril ng kasalukuyang taon.
“I wish to inform you that, pursuant to the provisions of existing laws, your service as Chief (Police General), Philippine National Police, is hereby extended until 31 March 2024,” ayon sa sulat ng Pangulo na kaniyang nilagdaan na naka address kay Acorda.
Ipina-alam na rin kay Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abajos Jr. ang desisyon ng Pangulo ukol sa tour of duty extension ni Acorda.
Ang transmittal letter ay ipinadala sa DILG nuong December 1,2023 at nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin.
Binanggit ng Office of the President ang Executive Order No. 136, series of 1999, na kumikilala sa kapangyarihan ng Presidente na aprubahan ang extension of service ng sinumang presidential appointees lampas sa compulsory age of retirement dahil sa exemplary meritorious reasons..
Ayon sa Pangulo, kapuri puri ang ginawa ni Acorda na pamunuan ang PNP na nakatutok sa agenda na mas epektibong police force gaya ng Personnel Morale and Welfare, Community Engagement, Integrity Enhancement, ICT Development and Honest Law Enforcement Operations.
Itinalaga ni Pang. Marcos si Acorda bilang ika 29th PNP chief nuong April 24,2023.
Si Acorda ay magreretiro na sana noong December 3,2023 matapos na maabot ang 56 kaarawan o kaniyang kaniyang compulsory retirement.
Siya ay miyembro ng Philippine Military Academy Sambisig Class of 1991 at nagsilbi sa pambansang pulis sa loob ng halos 37 taon.














