Latest News

TENSION SA UKRAINE AT NORTH KOREA, PINAGHAHANDAAN NG DND

NGAYON pa lamang ay pinaghahandaan na ng Department of National Defense (DND) ang posibleng hakbangin na maaaring gawin sa oras na uminit nang husto ang sitwasyon sa Ukraine at maging sa North Korea at maapektuhan ang mga Filipinong mangagawa duon.

Dahil dito ay tuloy-tuloy ang pakikipag ugnayan ng DND sa Department of Foreign Affairs (DFA) para sa posibleng repatriation ng mga Pilipino sa ibang bansa na apektado ng sitwasyon sa Ukraine at North Korea.

Inihayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na mahigpit na mino-monitor ng kagawaran ang mga pangyayari sa Ukraine at maging ang missile test na ginawa ng North Korea.

Sa inilbas na pahayag, ang “direct” at “indirect” na epekto ng mga kaganapang ito sa seguridad at ekonomiya ng bansa ay pinag-aaralan ng DND.

Siniguro ng kalihim na nakahanda ang DND na tumulong sa pagpapauwi sa bansa ng mga apektadong Pilipino sa ibayong dagat kung kakailanganin.

Aniya pa, nakikiisa ang Pilipinas sa panawagan ng international community para sa pananaig ng kapayapaan at kahinahunan, sa gitna ng mga kasalukuyang kaganapan at umaasa na mareresolba ang gulo sa mabilis at maayos na paraan.

“We join the rest of the international community in calling for peace and sobriety to prevail, and we remain hopeful that issues among concerned parties will be resolved peacefully and expeditiously,” anang kalihim. (VICTOR BALDEMOR)

Tags:

You May Also Like

Most Read