Latest News

TEMPORARY SHELTER PARA SA MGA BIKTIMA NG TS “AGATON,” ITATAYO NG AFP

PINANGUNAHAN ni NDRRMC Chairperson and Defense Secretary Delfin Lorenzana ang ginawang pagpupulong ng NDRRMC , Office Civil Defense at mga attached agencies para talakayin ang iminumungkahi na pagtatayo ng temporary shelter para sa mga affected families .

Ang Armed Forces of the Philippine (AFP) ang siyang naatasang mag dedeploy ng mga tauhan na gagawa para sa construction ng panukalang temporary shelters habang DILG ang aayos para sa compliance ng Baybay at Abuyog LGUs para sa relocation program.


Layon ng nasabing panukala na mabilis na matugunan ang pangangailangan ng mga apektadong pamilya partikular sa bayan ng Abuyog at Baybay na lubhang nasalanta ng bagyo at nagtala rin ng mahigit sa 200 nasawi at mahigit 100 nawawala pa.

Ayon kay NDRRMC Executive Director Usec Ricardo Jalad na napagkasunduan ng council na ang OCD ang siyang mag provide ng construction materials at pondohan ang nasabing proyekto.

Ang Department of Environment and Natural Resources – Mines and Geosciences Bureau, ang inatasan na magsagawa ng site assessment kung saan itatayo ang temporary shelter.


Habang ang Department of Public Works and Highways ang siyang mag handle sa site inspection, preparation para sa kaukulang site development.

Ang DSWD naman ang siyang magbibigay ng pagkain at cash for work sa mga volunteers.


Sinabi ni Jalad na target matapos ang Construction ng temporary shelters sa June 10, 2022.

Ito ay para sa mga pamilyang nasira ang mga bahay dahil sa landslides sa Leyte.


Inihayag naman ni Department of Foreign Affairs (DFA) Asec. Adelio Cruz, na nangako ang Chinese Government na mag donate USD 200,000 sa mga apektadong komunidad.

Kaya may mungkahi rin ang Department of Human Settlements and Urban Development, sa NDRRMC na paglikha ng isang permanente at standard shelter program. (VICTOR BALDEMOR)



Tags: NDRRMC Chairperson and Defense Secretary Delfin Lorenzana

You May Also Like

Most Read