Latest News

TEENAGER NA DRUG PERSONALITY, NAHULIHAN NG DALAWANG KILONG SHABU

By: Victor Baldemor Ruiz

ISANG teenager na ‘high value target’ ang nahulihan ng P13.6 million halaga ng shabu ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency-Central Visayas (PDEA-7) sa isinagawang anti-narcotics operation sa Mandaue City nitong nakalipas na linggo.

Sa ulat na ipinarating sa tanggapan ni PDEA Director General Moro Virgilio Lazo, nakuha mula sa 17- anyos na drug personality ng bayan ng Ubay, sa Bohol ang may dalawang kilo ng shabu.

Isang buy-bust operation ang inilatag ng mga tauhan ni DG Lazo target ang nasabing batang ‘high value target’ na nakuhanan ng limang pakete ng shabu na nagkakahalaga ng P13.6 million bukod pa sa mga non-drug items at ginamit na buy-bust money.


Sinabi ni Leia Alcantara, information officer ng PDEA-7, na inilagay ng ahensya ang suspek sa isang case buildup sa loob ng dalawang linggo at matapos na mag- positibo ang kanilang intelligence gathering sa kanilang itinuturing na bagong player sa drug industry ay ikinasa na ang buy-bust operation.

“Nakatanggap kami ng impormasyon mula sa isang confidential agent tungkol sa drug operation ng suspek sabi ng bagong player . Around one kilo of shabu is his weekly disposal,” ani Alcantara.

Nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Section 5, Article II of Republic Act 9165, or the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek na pansamantalang naka-detine sa PDEA 7 Detention Facilities.


Tags: Philippine Drug Enforcement Agency-Central Visayas (PDEA-7)

You May Also Like

Most Read