Technician patay sa sumabog na tangke ng nitrogen gas

Patay ang isang 21-anyos na technician matapos tumama sa kanyang katawan ang pira-pirasong bakal nang sumabog ang isang tangke ng nitrogen gas habang nagre-refill, kamakalawa ng umaga sa Sta.Ana,Maynila.

Hindi na naisalba ng mga doktor sa Sta.Ana Hospital ang biktimang si Emmanuel Boco, ng No. 640-46 San Andres Bukid, Maynila.


Sa imbestigasyon ni PCpl. Charles dela Torre ng Manila Police Disrict-homicide section,naganap ang insidente alas- 9:45 ng umaga sa loob ng Isang bahay sa No. 2328 Tejeron St. Sta.Ana, nang bigla itong sumabog dahilan para magtalsikan sa biktima ang nagpira-pirasong bakal.

Mabilis namanh isinugod sng biktima sa pagamutan pero binawian rin ng buhay dahil sa sugat na tinamo sa iba’t-tbang panig ng katawan.


Tags: Manila Police Disrict-homicide section

You May Also Like