Latest News

TECHNICIAN, NAGTANGKANG GAHASAIN ANG 12-ANYOS DALAGITA, BINARIL NG STEPDAD, PATAY

By: Baby Cuevas

Napatay sa baril ang isang 54- anyos na watch technician matapos makatanggap ng sumbong ang isang 40-anyos cellphone technician mula sa kanyang menor de edad na stepdaughter na tinangka umano siyang halayin ng una. Naganap ang insidente kamakalawa ng hapon sa harap ng Building 4 , Helping Compound,Tondo,Maynila.

Namatay noon din dahil sa tatlong tama ng bala ang biktimang si Ely, 54 , watch technician at taga Mapagbigay St, Kamote area,GK Compound,Tondo,Maynila, habang tumakas naman ang suspek na si Rotchan Ortega,49, cellphone technician, nakatira rin sa nabanggit na lugar.


Sa imbestigasyon ni PMSG Roderick Magpale ng Manila Police District -homicide section, naganap ang insidente ng pamamaril sa biktima alas-3 ng hapon sa Building 4, Helping Compound,Tondo,Maynila.

Nabatid na bago ang pamamaril ng suspek sa biktima,nagsumbong umano ang 12-anyos na stepdaughter ng suspek na nahuli umano nito ang biktima na sinisilipan siya habang naliligo sa shower room.

Nang makita at kaagad na lumabas ng shower room ang dalagita, hinarang umano siya ng biktima at tinutukan ng patalim at pilit na ipinasusubo sa dalagita ang kanyang-ari at kung hindi nito gagawin ay nagbantang papatayin ang kanyang mga magulang.


Gayunman, nagawa ng biktima na makatakbo at nagsumbong sa suspek.

Nagalit umano ang suspek at hinanap ang biktima at nang makita sa nabanggit na lugar ay kaagad itong pinagbabaril ng suspek at saka tumakas sakay ng kulay itim na motorsiklo.


Tags: Manila Police District-homicide section

You May Also Like