NASAWI ang isang 44- anyos na technician nang magbigti Sabado ng gabi dahil umano sa pangungulila sa kanyang mga anak sa loob ng kanyang kuwarto sa Punta Sta.Ana,Maynila.
Ayon kay PMSg Arvy Macarasig, imbestigador ng Manila Police District-homicide section, alas-10:30 ng gabi nang madiskubre ni Reiner Rulloda ang ginawang pagbibigti ng biktimang si Edmund, ng Punta ,Sta Ana,Maynila .
Ani Rulloda,yayayain sana niyang mag-inuman ang biktima nang paglapit sa kuwarto nito ay may masamang amoy, dahilan para sumilip siya sa butas sa dingding at doon ay nakita niyang nakabitin na biktima gamit ang isang electric cord na pinulupot sa kanyang leeg at itinali sa kisame .
Kaagad umano niyang pinuntahan ang kasama at sapilitan binuksan ang pintuan upang maibaba ang biktima.
Npag-alaman sa anak ng biktima na nakipag- chat umano sa kanya ang ama noong Oktubre 3 kung saan nagpadala ito ng kanyang larawan na may nakapulupot na electric cord sa leeg at nag-iwan ng mensahe na ” Magiging masaya na kayo kapag wala na ako”.
Binalewala umano niya ang mensahe ng ama dahil pangkaraniwan na umano ang ginagawa ng ama na pagbabanta na siya ay magpapakamatay, hanggang makarating sa kanya na nagpakamatay na nga ang ama.