Latest News

Technician na “sandwich” ng 2 truck, patay

NASAWI ang isang technician matapos na maipit at mapagitnaan ng dalawang truck habang nagkakabit ng GPS (global positioning satellite) sa likuran ng isa sa truck,kahapon ng tanghali sa sa may Port Area, Maynila.

Namatay noon din ang biktimang si Jay Mark Kee, taga 118 Unit 8 Gen Tinio St. Brgy 132 Bagong Barrio Caloocan City.

Iniimbestigahan naman ng Manila District Traffic Enforcement Unit ang mga driver ng dalawang trak na sina Marvin Canuel, 25, ng Maragondon, Cavite at Mateo Solano Jr., 34, ng Sucat, Muntinlupa City.

Nabatid sa imbestigasyon, magkasunod na nakaparada ang Fuso trailer trcuk na minamaneno ni Solano at Isuzo trailer truck ni Canuel sa may Delgado Street malapit sa kanto ng 24th St., sa Port Area, Maynila nang maganap ang insidente alas-12:20 ng tanghali.

Ikinakabit umano ng biktima ang GPS sa puwitan ng truck ni Solano nang sumampa sa kaniyang truck si Canuel.

Bigla umanong umabante ang nasa hulihang trak dahilan para mapitpit si Kee sa pagitan ng dalawang sasakyan.

Dinala pa ng ambulansiya ng ATI AEROMED sa Philippine General Hospital si Kee pero wala.na itong buhay. (Jantzen Tan)

Tags:

You May Also Like

Most Read