TEACHER NA NANGMOLESTYA AT NANAKOT PA UMANO NG ESTUDYANTENG SAKSI, ARESTADO SA MPD

Ni Itchie G. Cabayan

DINAKIP ng mga tauhan ng Manila Police District -Police Station 12 ang isang lalalking guro na diumano ay nangmolestiya ng babaeng estudyantea at nagbanta pa sa isang binatilyo na nakakita umano sa ginagawa niyang pag-molestiya sa loob ng comfort room ng isang paaralan.


Kasalukuyang nadetine sa MPD-PS 12,ang suspek teacher umano sa Torres High School sa Juan Luna Street, Brgy 174, Tondo Maynila.

Ang suspek ay inaresto sa bisa ng arrest warrant inisyu ni Presiding Judge Maria Lorenza Barias-Siosana ng Manila RTC Branch 38 na may petsang Disyembre 11,1014. Nag-rekomenda ang korte ng P120,000 na piyansa laban sa suspek para sa pansamantalang.kalayaan nito.

Ayon sa 12-anyos na binatilyo, nakita umano nito ang suspek na mino-molestiya ang isang dalagita sa loob ng banyo ng nasabing paaralan.


Gayunman, nakita umano ng suspek ang binatilyo kaya hinabol niya ito nang magtatakbo. Nang maabutan ay dinala umano ang saksi sa loob ng parehong banyo at doon siya tinakot na pakakainin ng ipis at papatayin.

Mariin namang itinanggi ng suspek ang akusasyon.


Tags: Manila Police District-Police Station 12

You May Also Like