Latest News

TEACHER AT MISTER PATAY SA PRINCIPAL

ISANG high school principal ang nag-suicide sa loob ng kanyang sasakyan matapos niyang pagbabarilin at mapatay ang isa niyang guro at mister nito kahapon ng umaga sa bayan ng Hinoba-an, Negros Occidental.

Sa report na ibinahagi ni Police Major John Ganzon, hepe ng Hinobaan Municipal Police Station sa media, naganap ang insidente ng pamamaril bandang alas-8:30 Lunes ng umaga sa bisinidad ng Senior High School Uybico Bilbao, na nasa Brgy Pook, Hinoba-an Municipality.

Itinuturong suspek sa pamamaril ang isang Warren Escosar na principal umano ng paaralan na natagpuang patay sa tabi ng kanyang sasakyan


Habang kinilala ang mga nasawi na si Alvarisa Arroy na guro sa paaralan at asawa nito.

Lumitaw umano sa paunang imbestigasyon na pinagbabaril ni Escosar ang mag-asawang Arroy makaraan ang kanilang argumento.


Matapos barilin ang mag-asawa ay sinasabing pumasok sa kanyang sasakyan si Escosar at doon naman binaril ang kanyang sarili.

Kasalukuyang inaalam pa ng mga awtoridad ang kanilang pinagtatalunan bago naganap ang ang pamamaril subalit hinala ng mga imbestigador na posibleng may kinalaman ito sa isang harassment case.


Sinasabing plano umano ng guro na maghain ng reklamo ng pambabastos laban sa principal. (VICTOR BALDEMOR)

Tags: Hinobaan Municipal Police Station

You May Also Like

Most Read