INARESTO ng mga tauhan ng Manila Police District -District Special Operation Unit (MPD-DSOU) ang isang 34-anyos na teacher na wanted sa kasong apat na counts ng rape sa isinagawang operasyon kahapon ng umaga sa Tondo, Maynila.
Kinilala ang suspek na si Greg Lawrence, ng C.P. Garcia Street, Tondo, Maynila.
Siya ay inaresto alas-10:30 ng umaga sa C.P. Garcia Street, Brgy. 110, Tondo, Maynila base sa inisyung arrest warrant ni Presiding Judge Ana Narlea Malayas Bonifacio-Cruz ng Manila Regional Trial Court Branch 173 na may petsang Abril 15,2025.
Walang inirekomendang piyansa ang korte para sa pansamantalang kalayaan ng suspek na kabilang sa listahan ng ‘Most Wanted Person’ sa District Level.
Kasalukuyang naka-detine ang suspek sa custodial facility ng DSOU at nakatakdang iharap sa korte para sa disposisyon ng kanyang kaso.