Latest News

TAXI DRIVER, PATAY

PATAY ang isang Person Under Police Custody(PUPC) ng Manila Police District -Police Station 13 matapos manikip ang dibdib at mahirapan na huminga,kahapon ng madaling araw sa Baseco,Port Area,Maynila.

Hindi na naisalba ng mga doktor ang detainee na si Val Guerrero,60, taxi driver at taga 005 Magdalena St. Sitio Arguadiente,Sta.Monica,Novaliches,Quezon City .

Ayon kay PLt Adonis Aguila,hepe ng Manila Police District-homicide section,alas 2:05 ng umaga nang magreklamo si Guerrero ng paninikip ng dibdib at nahihirapan huminga sa duty jailer na si Cpl. Bobby Realin,kaya kaagad na isinugod sa pagamutan ang preso.


Gayunman, alas 3:25 ng madaling araw nang ideklarang patay ng mga doktor si Guerrero.

Nalaman na si Guerrero ay inaresto ng mga tauhan ng MPD-PS 13 dahil sa kasong rape noong Abril 2021.

Tags:

You May Also Like

Most Read