INARESTO ng mga nagpapatrulyang tauhan ng Manila Police District (MPD) ang isang taxi driver matapos itong magwala at. maghamon ng away sa mga taong dumadaan habang hawak ang isang ‘pen gun’, kahapon ng madaling araw sa kanto ng Elcano at Clavel Streets sa Binondo, Maynila.
Sinampahan ng kasong paglabag sa R.O. 844 (Breach of Peace) at R.A. 10591 “Comprehensive Firearms and Ammunition Act” ang suspek na si Saturnino Pampanga Lacibal ,Jr, 30,tubong Nueva Exija at taga 2510 Tomas Mapua Street, Tondo Maynila.
Ayon kina Pat. Ralp Aldrin Yamat at Pat. Gerald Mupas ng MPD, nagsasagawa sila ng foot patrol pasado alas-12 ng.madaling araw nang lapitan ng isang concerned citizen at inireklamo ang ginagawang pagwawala ng suspek .
Sa kanilang pagresponde ay nakita nila ang suspek sa aktong nagsisigaw at hinahamon ang bawat. makitang tao, habang hawak ang kanyang pen gun.
Dahan-dahang nilapitan ng mga pulis ang suspek at nagpakilalang mga pulis saka ito inaresto.













