Latest News

TATLONG TERORISTA PATAY, TATLONG HFA, NASAMSAM

By: Victor Baldemor Ruiz

DEAD-on-the-spot ang tatlong kasapi ng Daulah Islamiyah-Maute Group habang tatlong mataas na kalibre ng baril ang nabawi rin ng military matapos nilang makasagupa ang mga teroristang grupo sa Lanao del Norte.

Sa ulat na ibinahagi ni AFP Western Mindanao Command, public information office chief, Maj. Andrew Linao, patuloy na ginagalugad ng military ang mga pinaghihinalaang pinagkukublihan ng mga terorista sa layuning malipol ang mga nalalabing salot sa lipunan.


Nabatid na isang grupo ng DI-MG ang nasabat ng mga tauhan ng 103rd Infantry Brigade Barangay Lindongan, Munai, Lanao del Norte nitong nagdaang lingo .

Tumagal ng kulang sa kalahating oras ang sagupaan bago nagpasyang abandonahin na ang tatlong nasawing kasamahan para mabilis na makatakas.

Kinilala ang tatlong napatay na DI-MG members na sina Nezrin Sandab, a.k.a. Firdaus; Saipal Abubacar, a.k.a. Fariz at Pabo Zainoden Radia, a.k.a. Musab.


Bukod sa mga napaslang ay na- recover din ng mga sundalo ang tatlong M14 rifles, 7.62mm ammunition at anim na backpacks sa isinagawang clearing operation sa encounter site, habang isang sugatang sundalo rin ang nilalapatan ngayon ng lunas sa pagamutan matapos na ma-ilikas sa ligtas na lugar.

Pinapurihan naman ni Western Mindanao Command Chief, Lt. Gen. William Gonzales ang mga sundalo mula sa 103rd Infantry Brigade sa matagumpay na focused military operation.


“We ask for prayers from the peace-loving people of Mindanao for the safety of our soldiers who continuously work hard to successfully eliminate the remaining threats in our area of operation,” ani LtGen Gonzales.


Tags: AFP Western Mindanao Command

You May Also Like