Latest News

TATLONG SUSPEK SA GOV ADIONG AMBUSH, NADAKIP

NADAKIP ng mga tauhan ng PNP-Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region ang tatlo sa mga suspek na nasa likod ng pananambang kay Lanao del Sur Gov. Mamintal “Bombit” Adiong Jr., noong Pebrero 17 na ikinamatay ng apat na pulis.

Sa ulat na ipinarating sa punong himpilan ng PNP sa Camp Crame , Quezon City, armado ng arrest warrant na inisyu ng Regional Trial Court Branch 10 of the 12th Judicial Region sa Marawi City ay dinakip ng Bukidnon Police Provincial Office ang mga suspek dahil sa kasong frustrated murder at illegal possession of firearms.

Sinasabing pawing positibong kinilala ang mga ito na siyang nasa likod nang pananambang kay Gov. Adiong na malubaha nitong ikinasugat at ikinamatay ng apat niyang police escort.


Kinilala ng PNP-BARMM ang mga nadakip na sina Palawan Salem Macalbo, 34, kasapi ng Gandawali Group; Nagac Dimatangkil Baratomo, 38; at Amirodin Dimantingkal Mandoc, 29 anyos .

Nakuha sa mga ito ang isang Colt M16 rifle with serial number 9061355, isang Granada , isang Colt M16 magazine loaded na may bala at isang rifle grenade. .


Kamakailan ay napatay ang isa sa pinaniniwalaang sangkot sa pag-ambush sa convoy ni Gov. Adiong na si alyas Otin o Fighter.

Matatandaang Pebrero 17, tinambangan ang convoy ni Governor Adiong sa Kalilangan, Bukidnon kung saan sugatan ang gobernador maging ang kanyang aide pero nasawi naman ang apat niyang bodyguards. (VICTOR BALDEMOR RUIZ)


Tags: PNP-Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region

You May Also Like

Most Read