Ni Itchie G. Cabayan
Tatlong sunog and magkakasunod na naganap sa iba’t-ibang lugar sa Maynila sa loob lamang ng 24 na oras.
Ayon sa ulat ng Manila Bureau of Fire Protection (BFP), unang nasunog ang isang two-storey residential house alas-11:38 ng umaga sa Guidote St., Sampaloc, Maynila.
Ang sunog ay nagmula sa bahay na pag-aari ng isang doktor na nagsabing una niyang naamoy ang kandila. Nang tumingin siya sa likuran ng bahay ay mayroon nang apoy.
Ang ikalawang sunog ay naganap naman sa isang tindahan sa Palawan Street, Mindanao, Balic-Balic, Sampaloc, Nangyari ito alas-10:54 ng gabi at naapula nang alas-12:22 na ng madaling araw.
Ikatlo namang nasunog ang isang residential area sa Sagrada Familia sa Sta. Ana, Maynila, ganap na 12:29 ng tanghali. Ang sunog ay naapula alas-12:38 ng tanghali.
Wala namang iniulat na nasawi o nasaktan sa tatlong naganap na sunog.
Patuloy na iniimbestigahan ng arson division ang sanhi ng mga nasabing sunog at halaga ng napinsalang ari-arian.














