Latest News

TATLONG RIDER, PATAY

By: Victor Baldemor Ruiz

DEAD- on- arrival sa pagamutan ang tatlong kalalakihan matapos na salpukin ang sinasakyan nilang motorsiklo ng isang pampasaherong bus mula sa kabilang lane ng national highway sakop ng Pili, Camarines Sur.

Sa ulat ng Camarines Sur Police Provincial Office ay kinilala ang driver ng motorsiklo na si Ricky Dacillo, 35, residente ng P-2, Kanluran, San Vicente, Camarines Norte base sa nakuhang identification card nito, habang positibo pang kinikilala ang dalawang backrider nito.

Lumitaw sa inisyal na pagsisiyasat ng Pili Municipal Police Station Traffic Investigator na tinatakan nila Dacillo sakay ng motorsiklo ang kahabaan ng national road sakop ng nasabing bayan patungo sa lungsod ng Naga nang mabangga ito ng nag-overtake na bus na minamaneho ni Raffy Malaran, 30, ng Zone 5, Palapas, Ligao City, na nagmula naman sa kabilang direksyon.


Sa lakas ng impact ay tumilapon ang mga sakay ng motorsiklo kaya nagtamo ng mga sugat at bali sa iba’t-ibang bahagi ng kanilang katawan ang mga biktima na nagawa pang maitakbo sa pagamutan ngunit pawang idineklarang patay na nang idating sa ospital.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa nasabing insidente.


Tags: Pili Municipal Police Station Traffic Investigator

You May Also Like

Most Read