Latest News

Tatlong private school executives, kinasuhan ng NBI

By: Baby Cuevas

Nagsampa ang National Bureau of Investigation-Naga District Office ng kasong kriminal ang tatlong executives dahil sa pagre -recruit ng ilang indibiduwal na gustong pumunta ng United States kapalit ng malaking halaga.

Nabatid na kasong illegal recruitment at estafa ang isinampa ng NBI laban kina Carmelo Carcido, Demitri Carcido at Marchan Villar, pawang mga opisyal ng Brentwood College of Asia (Brentwood) matapos na humingi ng tulong ang United States Embassy dahil sa iligal na gawain ng mga suspek.

Ayon sa NBI, humingi ng tulong ang Overseas Criminal Investigation, Regional Security Office ng United States Embassy matapos na madiskubre na ang paaralan ay nagpapanggap na kaya nilang magpadala ng tao sa US para makapagtrabaho.


Nabatid sa NBI na isa sa biktima ang nagbayad sa Brentwood ng halagang P181,980 para sa processing fee,visa at plane ticket sa US at humingi pa ng karagdagang US $1,327 sa biktima.

Pagdating sa US , siya ay ininterview ng Immigration Officer dahil natuklasan na wala siyang return ticket kaya ikinumpisal ng biktima na balak niyang magtrabaho bilang caregiver sa US kaya ipina deport siya sa Pilipinas.

Apat pang biktima ang nagsabi na sila ay idineploy rin sa US para sa employment, internship at student exchange program via tourist visas kung saan nagbayad sila ng P25, 000 hanggang P50, 000 kada isa pero nang magpunta sa US Embassy para sa interview ay na-deny ang kanilang visa application.


Tags: National Bureau of Investigation-Naga District Office

You May Also Like

Most Read