TATLONG PASLIT, NATUSTA SA SUNOG

By: Victor Baldemor Ruiz

Tatlong batang magkakapatid ang nasawi sa sunog na sumiklab sa kanilang bahay sa Barangay Magallanes sa Tayug, Pangasinan kamakalawa ng umaga.

Kinilala ang mga biktima na sina Jeniel, 6; James, 4 at Jennila, 3.


Ayon sa pulisya, iniwan sila ng kanilang ama na si Raymart at isinara ang bahay habang nagcha-charge ng cellphone sa kapitbahay.

Pagbalik ni Raymart bandang 9:45 a.m., dinatnan niyang nilalamon na ng apoy ang kanilang bahay.

Na-trap ang mga bata at nang ma-rescue ng mga bumbero, idineklarang patay ang mga ito sa Municipal Health Unit dahil sa suffocation.


Idineklara ng Bureau of Fire Protection na ‘fire out’ na ang sunog bandang 10:10 a.m.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga arson probers para matukoy ang sanhi ng sunog.


Tags: Bureau of Fire Protection

You May Also Like

Most Read