Latest News

TATLONG NPA NAPATAY , 15 HIGH POWERED FIREARMS NASAMSAM

By: Victor Baldemor Ruiz

Tatlong pinaghihinalaang miyembro ng New People’s Army ang napatay sa ikinasang combat military operation sa sa Butuan City, Agusan del Norte, ayon sa Armed Forces of the Philippines.

Sa ulat nakasagupa ng pinagsanib na puwersa ng 29th Infantry (Matatag) Battalion at 30th Infantry (Fight ‘on) Battalion ng Philippine Army ang isang pulutong ng Communist Terrorist Groups (CTGs) na kinabibilangan ng SYP21C, WGF21 at Platoon Dao, Sub-Regional Sentro de Grabidad Westland kapwa nasa ilalim ng Sub-Regional Committee Westland, NEMRC sa kagubatang sakop ng Mt. Apo-Apo, Sitio Dugyaman, Brgy Anticala, Butuan City .

Kinumpirma ito ng AFP Eastern Mindanao Command (EastMInCom) at sinabing naganap ang engkwentro sa Mt Apo-Apo, na ikinamatay ng isang lalaki at dalawang babae na pawang miyembro umano ng komunistang grupo ng New Peoples Army.


Sa ngayon ay patuloy pa ring inaalam ng Army 901st Infantry Brigade (901Bde), ang pangalan ng tatlong nasawi.Habang nakuha sa pangangalaga ng tatlong napatay ang limang AK47 rifles, apat na AR18 rifles, tatlong M4 rifles , dalawang M203 grenade launchers, M16 rifle at ilang mga dokumento

Batay naman sa datos ng Eastern Mindanao Command , umabot na sa 201 na miyembro ng komunistang grupo ang na neutralized ng kanilang hanay habang 227 naman ang captured and surrendered firearms bukod pa sa nasamsam na 34 anti-personnel mines.


Tags: New People's Army

You May Also Like

Most Read