TATLONG NPA BOMBERS, PATAY SA HOT PURSUIT

TATLONG bangkay ng mga sinasabing communist New People’s Army bombers ang nilipad ng isang Air Force S70i Black hawk helicopters matapos ang isinagawang hot pursuit operation ng mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines’ Joint Task Force Storm sa lalawigan ng Masbate kamakalawa.

Ayon kay JTF Storm at AFP 8TH Infantry Division spokesman Capt Ryan Layug ipinadala nila ang kanilang S70i Black Hawk military choppers para kunin ang bangkay ng tatlong npa na nasa likod ng pagpapasabog ng ilang anti-personnel mine na ikinasugat ng pitong sundalo na napatay sa Mapanas. Northern Samar .


Ang dalawang lalaki at isang babaeng kadre ang napaslang ng military sa ikinasang hot pursuit operation matapos ang pagpapasabog ng mga itinanim na anti-personnel Mine na mga sundalo nagsasagawa ng community outreach mission.

Ang tatlong unidentified terrorists, ay natunton ng militar gamit ang kanilang mga spy drones na nagturo sa mga hideouts ng NPA hanggang sa makasagupa ang kanilang tinutugis sa liblib na lugar ng San Jorge, Samar nuong Hulyo . nag nauwi ulkit sa habulan hanggang isa pang engkwentro ang nangyari malapit sa Barangay Libertad, San Jorge, Samar.

Tatlong M16 Armalite rifles, isang AK47, at shotgun, bukod pa ang sa mga Anti-Personnel Mines (APMs), election campaign materials, at notes na nakuha sa sa tabi ng bangkay ng NPA.


Sinabi pa JTF Storm spokesperson Captain Ryan Layug na ang tropang kanilang nakasagupa ay mula sa Platoon Yakal ng SRC Browser na sinimulang tugisin ng mga sundalo mula Northern Samar papuntang katimugan bahagi ng Samar.

Dahil sa hirap ng daan sanhi ng terrain at masamang panahon ang mga bangkay ay nagsimula ng mabulok kaya ipinasya ng San Jorge Municipal Health Office na ilibing agad ang mga bangkay matapos na masuri ng PNP scene of the Crime Operatives (SOCO).


Ayon kay Major General Edgardo de Leon, Commander ng Joint Task Force Storm “Inabutan sila ng tropa sa tulong ng ating modern equipment. Nagkaroon na ng series of encounters. Inaasahan namin ang mga susunod pang engkwentro sa mga liblib na kabundukan dahil hindi na rin makalapit ang mga NPA sa mga komunidad para magtago. Sinusuka na sila ng mga taong-bayan dahil sa kanilang mga karahasan.” (VICTOR BALDEMOR)


Tags: JTF Storm at AFP 8TH Infantry Division spokesman Capt Ryan Layug

You May Also Like