Latest News

TATLONG MILYONG ‘PENTAVALENT VACCINES’ INAASAHANG DARATING SA BANSA – DOH

By: Jaymel Manuel

Inaasahan ang pagdating sa bansa ng tatlong milyong doses ng ‘pentavalent vaccines.’

Ayon sa Department of Health (DOH) Disease Prevention and Control Bureau, ito ay sa pakikipag-ugnayan ng DOH sa Procurement Service.

Napag-alaman na ang nasabing bakuna ay makapagbibigay ng proteksiyon laban sa pertussis, diphteria, tetanus, hepatitis B at hemophilus influenza type B.


Umorder na umano ang DOH ng may limang milyon pang doses para sa Measles-Rubella vaccine at inatasan na rin ni Health Secretary Teodoro Herbosa na madaliin ang distribusyon ng isang milyong doses na ide-deliver bilang karagdagang bakuna sa 64,400 doses ng pentavalent at 2.6 milyon doses ng Measles -Rubella na ipinamamahagi ng DOH bilang proteksiyon sa mga bata.

Sinabi ni Herbosa na ang Regional Epidemiology and Surveillance Units (RESUs) sa DOH Centers for Health Development ay nakikipag-ugnayan na sa mga lokal na.pamahalaan para malaman ang datos ng pertussis at measles sa kasalukuyan.

Ani Herbosa,bagama’t ang pagsusuot ng facemask ay boluntaryo, hinihikayat ng DOH ang publiko na magsuot ng facemask lalo na kapag inuubo at manatili sa maluluwag na lugar na maganda ang bentilasyon.


Tags: Department of Health (DOH)

You May Also Like

Most Read