Latest News

Si SMArT chief Maj. Edward Samonte habang pinagagalitan ang "Tatlong Maria" na dinakip dahil sa pandurukot ng mga pasahero ng jeep. (JERRY S. TAN)

‘Tatlong Maria’, arestado

Arestado ng mga tauhan ng Manila.Police District-Special Mayor’s Reaction Team (MPD-SMaRT) ang “Tatlong Maria” na diumano’y kilalang notoryus na mandurukot, matapos na.makahingi ng tulong ang kanilang biniktima,kahapon ng umaga sa may Liwasang Bonifacio Monument sa Taft Avenue,Ermita,Maynila.

Nasa kustodiya ng SMaRT, na pinamumunuan ng bagong hepe nito na si Maj. Edward Samonte, ang mga suspek na sina Rose Ann Angeles, 22 ; Annabell Bastigue,37; at Analyn Enorio,32 at pawang taga 24 Oscaris St.Quiapo,Maynila.


Ayon kay Samonte, ang mga suspek ay inireklamo ng kanilang biniktima na si Rowena.Musa,25,saleslady at taga 1151 Vergata St.Quiapo,Maynila.

Sa reklamo ng biktima,naglalakad umano siya ng lansehin siya ng tatlong babae sa nabanggit na.lugar,alas.7:45 ng umaga.

Huli na nang mapansin ng biktima na nadukot na ang kanyang cellphone na Wh Samsung Galaxy A71 na nagkakahalaga ng Php 22, 990,00.


Kaagad naman nagsisigaw ang biktima ng “Mandurukot” na nakatawag nang pansin sa mga nagpapatrulyang sina PCpl Peter Joe Cruz , PCpl Emerson Visperas, at Pat Ron Marc Jimenez, na humabol sa mga suspek.

Nabawi naman sa mga suspek ang cellphone ng biktima.


Sinampahan naman ng kasong theft ang mga suspek sa Manila Prosecutor’s Office. (JERRY S. TAN)


Tags: Manila Police District- Special Mayor's Reaction Team (MPD-SMaRT)

You May Also Like